FOCUS on the Narcotics Trade: Philippines

By Francesca Regalado
Managing Editor

“Hitler massacred three million Jews. Now there’s three million drug addicts. I’d be happy to slaughter them,” said President Rodrigo Duterte of the Philippines in September.

At the time, he had been president for only three months, yet the death count from his crackdown on the illegal narcotics trade was estimated at around 3,000. According to The New York Times, a third of these deaths were at the hands of the police, but most have been by vigilantes emboldened by the president’s rhetoric. Many of the gunmen running rampant are hired by local drug lords to take out those who may expose them.

Now The New York Times estimates that more than 7,000 are dead. While it may be too early to tell if Duterte’s cavalier approach has actually decreased drug use, it has inadvertently created insecurity. Filipinos, especially those living in urban areas, hesitate to go out at night for fear of being mistaken for a drug user or being caught in the crossfire.

How bad is the drug addiction epidemic in the Philippines? The last estimate of the Dangerous Drugs Board in 2012 reported 1.7 million users – already a significant decline from 6.7 million users in 2004. Rappler reports that from 2009 to 2014, 91 percent of patients in rehabilitation were male, nearly 40 percent of them were unemployed, and 74 percent earned a monthly family income of less than 11,000 pesos (around $226). Most of these drug users were at the prime of their lives, with an average age of 30 among rehabilitation center patients.

Buying drugs on the street is cheaper than checking into a hospital for treatment, thus trapping drug users into a cycle of addiction. Treating drug addiction as a crime instead of a disease could hurt the economic growth of this Asian tiger because targeting young, able-bodied men would significantly reduce the labor force.

In September, the national police chief, Ronald dela Rosa, spent a week in Colombia to learn from the South American country’s “successful” war on drugs, according to The Philippine Star. Colombia, like the Philippines, focused on eliminating supply. Dela Rosa could have learned more from Portugal, which medicalized the drug epidemic by transferring drug control from the Justice Department to the Health Ministry and decriminalizing all drug use in 2001. Portugal’s decriminalization of drugs happened under the prime ministry of Antonio Guterres, now secretary-general of the United Nations.

In Portugal, removing the threat of imprisonment was followed by an increase in visits to rehabilitation clinics because people were no longer scared to come out as drug addicts. While HIV-infection rates from needle use have sporadically gone up and down in other European countries, Portugal has seen a steady decline, according to The Telegraph.

Additionally, funds previously spent on the Portuguese prison system and litigating drug-related crimes were diverted to prevention, drug addiction treatment, and support strategies for high-risk populations, such as the youth and the low-income population. A similar redistribution of resources would tie in with Duterte’s goals of saving “the next generation from perdition.”

Sa Tagalog:

“Tatlong milyong Hudyo ang pinapatay ni Hitler. Ngayon, mayroong tatlong milyong lulong sa droga. Ikagagalak kong patayin sila,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas noong Setyembre.

Noon, tatlong buwan lamang siyang sa posisyon, ngunit umabot na sa 3,000 ang tinantiyang namatay dahil sa kanyang giyera laban sa droga. Iniulat ng New York Times na isang-katlo ng mga ito ay namatay sa kamay ng mga pulis, pero mas marami ang napatay ng mga vigilanteng pinalakas ang loob ng retorika ni Duterte. Kabilang rin dito ang mga mamamaril na binabayaran ng mga sindikato para patayin kung sinuman ang maaaring maglantad sa kanila.

Ngayon, tinatantiya ng New York Times na mahigit na sa 7,000 ang namatay. Bagaman masyado pang maaga para malaman kung nabawasan nga ba ang mga lulong sa droga dahil sa kampanya ni Duterte, nagdudulot na ito ng kawalan ng seguridad. Natatakot ngayon ang mga Pilipino, lalo na sa mga siyudad, na lumabas sa gabi dahil baka sila magpakamalang adik o madamay sa barilan.

Gaano ba kalala ang problema ng pagkalulong sa droga sa Pilipinas? Ang huling tantiya ng gobyerno noong 2012 na 1.7 milyong lulong ay malaking bawas na mula sa 6.7 milyong lulong noong 2004. Ayon sa Rappler, mula 2009 hanggang 2014, sa mga pasyente sa rehabilitasyon, lalaki ang 91 porsyento, walang trabaho ang 40 porsyento, at kulang pa sa 11,000 pesos ang kita buwan-buwan ng 74 porsyento. Tatlumpung taon ang karaniwang edad ng mga ito.

Dahil mas murang bumili ng droga sa kalye kaysa humingi ng tulong sa ospital, nabibitag ang mga mahihirap sa pagkalulong. Kung itutuloy ni Duterte ang pagtrato ng pagkalulong bilang krimen sa halip na karamdaman, baka humina ang pag-unlad ng Pilipinas dahil mababawasan ang mga binatang maaaring magtrabaho.

Iniulat ng Philippine Star na bumisita si Ronald dela Rosa, ang pambansang hepe ng pulis, sa Colombia upang aralin ang kanilang kampanya laban sa droga. Ayon kay Dela Rosa, “matagumpay” daw ang kampanya ng Colombia. Tulad ng Pilipinas, inuuna ng Colombia ang pagpuksa ng mga nagbebenta ng droga.

Mas mabuti siguro kung inaral niya ang pamamaraan ng Portugal, kung saan ang paglulong ay tinatrato na karamdaman dahil inilipat ng gobyerno ang pagpigil ng droga sa Ministeryo ng Kalusugan mula sa Ministeryo ng Hustisya noong 2001. Nangyari ito sa pamumuno ni Antonio Guterres, na ngayo’y punong kalihim ng Nagkakaisang Bansa.

Pagkatapos mawala ang banta ng pagkulong sa Portugal, dumami ang mga Portuges na pumupunta sa ospital para sa rehabilitasyon. At kahit dumami ang mga nalalinan ng HIV mula sa karayom sa Europa, nabawasan ang mga ito sa Portugal, ayon sa Telegraph.

Bukod pa rito, dahil nabawasan ang gastos sa mga kulungan at sa pagsubok ng mga krimeng kaugnay sa droga, maraming programa ang napondohan ng Portugal para hadlangan ang pagkalulong, gamutin ang mga lulong, at suportahan ang mga grupong delikadong malulong, tulad ng mga bata at mahihirap.

Kung tutularan ng Pilipinas ang Portugal, mas madaling maaabot ni Duterte ang kanyang layunin na “iligtas ang susunod na henerasyon mula sa kapahamakan.”


Editor’s Note: The opioid epidemic knows no borders. To highlight this, our writers covered the narcotics trade in their native countries, with their native tongues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share This